Isa
sa mga nagbibigay sa atin ng inspirasyon at lakas ng loob ay yaong makita at
madama na mayroong nagtitiwala sa atin;
dahil sa malaking tiwala na ibinigay sa atin, mas pinag-huhusay natin ang mga
gawaing iniatas.
Sa
ebanghelyo ni San Mateo1 nakita
natin ang malaking pag-titiwala ng may-ari ng ubasan sa kanyang mga kasamahan.
Matapos niyang maisaayos ang kanyang ubusan, ito ay kanyang inihabilin sa mga kasama at siya’y lumisan, nagtitiwala na
mayroon siyang aasahang kaparte sa
panahon ng anihan.
Ang
imahen ng ubasan ay kapwa binabanggit sa unang pagbasa2 at
ebanghelyo.3 Maliwag sa mga
hudiyo, mga punong sacerdote at matatadanda ng bayan na mga taga-pakinig nina
Propeta Isaias at Hesus, na ang imahen ng ubasan ay tumutukoy sa bayang Israel.
Sa kasaysayan ng bayang Israel, ibinigay sa kanila ng Diyos ang mga biyayang
kanilang kinakailangan upang sila ay maka-panating
mayabong at masagana. Ngunit naging kapos pa rin ang kanilang pagtalima sa Diyos; imbis na
mabubuting ubas, ubas na ligaw ang nasungpungan ng Diyos, bagkos na ibigay ang
kaparte, pumatay at inangkin ang ubasan.
Sinayang nila ang pagtitiwalang ibinigay sa kanila ng Diyos.
Bagama’t
hindi naging mabunga ang bayang Israel at tila baga’y nasayang ang pagtitiwala
ng Diyos, hindi ito naging dahilan para tumigil ang Diyos sa Kanyang
pagpapahayag ng kabutihan. Kung ang mga
unang pinagkatiwalaan ay hindi naging mahusay sa kanilang pamamahala, ang Diyos
sa kanyang walang hanggang karunungan ay humanap ng iba pang maaring
mapagkatiwalaan, na siyang magiging mahusay sa pamamahala, na magbibigay sa Kanya ng kaparte sa panahon ng anihan.
Kung
ang Diyos ay hindi tumitigil sa kanyang pagbibigay ng biyaya at patuloy na
nagtitiwala, mainan sana na tayo ay palagiang
maniwala, na tayo ay Kanyang mga piniling katiwala. Pinagtitiwalaan tayo ng Diyos ng maraming bagay - buhay, trabaho, ari-arian, pamilya at marami pang iba. Kung minsan nahihirapan tayo na maramdaman
ito, sapagkat nakakalimot tayo sa ating mga sarili, ang akala natin tayo
ang may-ari ng mundo. Gagamitin natin ang mga bagay sa palibot natin ayon sa
mga sarili nating layaw. Akin ang buhay ko, kaya minsan natatagpuan natin ang ating
mga sarili na lugmok sa bisyo at
kasalanan. Kapag tayo ay punong-puno ng kasalanan magiging mahirap talaga para
sa atin, na aminin, na tayo ay pinagkakatiwalaan ng Diyos. Ang pakiramdam natin
dahil sa aking mga kasalanan wala ni isa sa kapwa ko ang nagtitiwala sa akin,
bakit pa ako pagtitiwalaan ng Diyos.
Sa
mga oras na nagiging mababa ang pagtingin natin sa ating mga sarili sana nawa
ang mga pangangaral ni Pope Francis ang
magbigay sa atin ng inspirasyon. “Even if
the life of a person has been a disaster, even if it is destroyed by vices,
drugs, or anything else—God is in this person’s life. You can, you must try to
seek God in every human life. Although the life of a person is a land full of
thorns and weeds, there is always a space in which the good seed can grow.”4
Ang mensaheng ito ng ating Santo Papa ay nagbibigay
sa atin ng lakas ng loob, na sa kabila ng ating mga kahinaan ay patuloy pa rin
tayong pinagtitiwalaan ng Diyos.
Nararapat
lamang na tayo ay lagi ring matutong magtiwala sa Diyos, at ang mga pangangaral ni Apostol San Pablo
ang maging panalangin natin “Huwag tayong
mabalisa, hingin natin sa Diyos ang lahat ng ating kailangan sa pamamagitan ng
panalangin may pasasalamat. At ang di malirip na kapayapaan ng Diyos ang
magiingat sa ating puso at pag-iisip…”5
Ang
pagtitiwalang ibinigay sa atin ng Diyos ay nararapat lamang suklian natin ng
mainam na bunga at upang masabi na tayo ay naging mabuting mga katiwala dapat
masaksihan sa buhay natin ang mga bagay na “karapat-dapat
at kapuri-puri; mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at
kagalang-galang.”
Kung
mayroong dapat magbigay sa atin ng inspirasyon at lakas ng loob upang
pagbutihin natin ang ating mga buhay walang iba dapat yun, kundi ang
pagtitiwala ng Diyos.
____________________
1. Mt. 21:33-43
2. Is. 5:1-7
3. Mt.21:33-43
4. Pope Francis, A Big Heart Open to God: A Conversation with Pope Francis
5. Fil 4:6-7
6. Fil 4:8
No comments:
Post a Comment